Pat Villafuerte
Pat Villafuerte
Si Patrocinio F. Villafuerte ay isang guro at manunulat sa Filipino. Sa kasalukuyan, siya ang tagapangulo ng Departamento ng Filipino
Edukasyon
Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong gradwado, Masterado sa Sining ng Pagtuturo sa Philippine Normal College si Villafuerte. Siya rin ay may titulong Masterado sa Sining sa Filipino, Gawad Merito, na kaniyang natamo mula saManuel Luis Quezon University. Si Villafuerte ay guro ng Filipino sa lahat ng antas—elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Siya rin ay manunulat na may 145 aklat, na ang karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat, sa Filipino.
Parangal
Si Villafuerte ay nakakamit ng mga sumusunod na mga parangal:
§ Ang kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professorial Chair in Filipino
§ Nagkamit na ng dalawang Presidential Awards sa Malacanang
§ Nagkamit na ng dalawang Teacher of the Year Award
§ Nagkamit na ng walong Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
§ Nagkamit na ng sampung Gawad Surian Gantimpalang Collantes
§ Naparangalan na ng PNU Alumni Association
§ Naparangalan na ng Komisyon ng Wikang Filipino
§ Naparangalan na ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL)
§ Naparangalan na ng Philexers
§ Naparangalan na ng Ninoy Aquino Foundation

Kalayaaan
Pat Villafuerte
sa balintawak ang gumising ay isang sigaw
bumalik ang sagot na tila alingawngaw
KALAYAAN
at sa bawat lugar ay mauulinig
ang dala ng hanging may saliw na awit
KALAYAAN
narinig namin doon sa taniman
narinig namain sa mangangalakal
narinig namin hanggang doon sa karagatan
KALAYAAN
bawat makata awit ang nalilikha
at ang mga titik apoy ang ibinabadya
KALAYAAN
narinig namin sa manggagawa ng niyugan
narinig namin sa mangingisda ng karagatan
naring namin sa manininda ng pondohan
KALAYAAN
lahat ng Tao iisa ang sigaw
kahit ang kapalit ay kanilang buhay
KALAYAAN
sa puntod ng alipin at punong mga angkan
iisa rin ang tinig na itinitighaw
KALAYAAN
sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan
palakas ng palakas palakas ng palakas ang mapapakinggan
KALAYAAN
Narinig naming sa magwawalis na dukha
Narinig naming sa mgahahabing maralita
Narinig naming sa panday nsa yaman ay wala
KALAYAAN
Mula sa Templo,Mula sa Pook dalangina
Ang Kris at Gulok nagtagis parang kidlat
Kasabay ang sigaw na ang Hudyat
KALAYAAN
Narinig namin sa mga hikbi,hinagpis at panaghoy
Narinig naming sa Pulong di matalunton
Narinig naming hanggang sa Dakong Paroroon
KALAYAAN
Ang tuldok sa buhay
Pat Villafuerte
Noong kayo’y musmos,
Napaniwala kayo ng eskuwelahan
Na sining ang pagguhit
Habang nakikipagbuno
ang lapis at krayola,
pag-uwi ng bahay,
luha’t uhog ang naging sukli
ng pudpod na lapis
ng baling krayola
ng lukot na papel
ng nawalang pambura.
Ni walang nakapagsabing sining din pala
Ang magkasunod na pagdapa’t pagpalo
Ang magkasabay na pagsigaw at pag-iyak
Sa pagitan ng maraming paalala’t pananakot.
sa eskuwelahan din natuklasang
Ang paggawa ng tuldok ay isa ring sining –
Tuldok para makaguhit
Tuldok para makabilog
Tuldok para makabuo ng sama-samang tuldok.
Ni hindi naisip.
Na sa pagitan ng mga tuldok,
Naroon ang teatro ng poot
Ang mascara ng pagluha
Ang telon ng paglimot.

Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Sa aking mga kababata
Jose Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagkat ang salita,y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo,t mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin man likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat ay pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang tagalong tulad din sa latin,
Sa ingles,kastila’t salitang anghel
Sapagkat ang poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita natin tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Anag lunday sa lawa noong dakong una.
Huling Paalam
Jose Rizal
Paalam, bayan kong minamahal
lupa mong sagana sa sikat ng araw;
Edeng paraiso ang dito'y pumanaw
at Perlas ng dagat sa may Silanganan.
Buong kasiyahang inihahain ko
kahiman aba na ang buhay kong ito.
maging dakila ma'y alay rin sa iyo
kung ito'y dahil sa kaligayahan mo.
Ang nakikilabang dumog sa digmaan
inihahandog din ang kanilang buhay.
kahit kahirapa'y hindi gunamgunam
sa kasawian man o pagtatagumpay.
Maging bibitaya't, mabangis na sakit
o pakikilabang suong ay panganib
titiising lahat kung siyang nais
ng tahana't bayang aking iniibig.
Mamamatay akong sa aking pangmalas
silahis ng langit ay nanganganinag
ang pisgni ng araw ay muling sisikat
sa kabila nitong malamlam na ulap.
Kahit aking buhay, aking hinahangad
na aking ihandog kapag kailangan
sa ikaririlag ng yong pagsilang
dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang
Mulang magkaisip at lumaking sukat
pinangarap ko sa bait ay maganap;
ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas
na nakaliligid sa silangan dagat.
Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning
sa mata'y wala nang luhang mapapait
wala ka ng poot, wala ng ligalig
walang kadungua't munti mang hilahil.
Sa aba kong buhay, may banal na nais
kagaling'y kamtan nang ito'y masulit
ng aking kaluluwang handa nang umalis
ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.
Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,
ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan
ng isang buhay na lipos ng kariktan
sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.
Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin
sa gitna ng mga damong masisinsin
nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing
ito'y halikan mo't, itaos sa akin.
Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis
pagsintang sa dibdib may tanging angkin
hayaang noo ko'y tumanggap ng init
pagka't natabunan ng lupang malamig.
Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid
kalat na liwanag, malamlam pa mandin;
Hayaang liwayway ihatid sa akin
ang banaag niyang dagling nagmamaliw.
Hayaang gumibik ang simoy ng hangin
hayaan sa himig masayang awitin
ng ibong darapo sa kurus ng libing
ang payapang buhay ay langit ng aliw.
Hayaang ang araw na lubhang maningas
gawing parang ulap sa patak ng ulan
maging panganorin sa langit umakyat
ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.
Hayaang ang aking madaling pagpanaw
iluha ng mga labis na nagmahal
kapag may nag-usal sa akin ng dasal
ako'y iyo sanang idalangin naman.
Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,
mga nangamatay pati naghihirap
mga dusa't sakit ina'y tumatanggap
ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.
Ipagdasal mo rin mga naulila
at nangapipiit sakbibi ng diwa;
ipagdasal mo rin tubusing talaga
ang pagka-aliping laging binabata.
Kapag madilim na sa abang libingan
at nilalambungan ang gabing mapanglaw
walang nakatanod kundi pulos patay
huwag gambalain, ang katahimikan.
Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim
at mauulinig wari'y mga tinig
ng isang salteryo, ito'y ako na rin
inaawitan ka ng aking pag-ibig.
Kung nalimutan na yaring aking libing
kurus man at bato'y wala na rin mandin
bayaang sa bukid lupa'y bungkalin
at ito'y isabong sa himpapawirin.
Limutin man ako'y di na kailangan
aking lilibuting iyong kalawakan
at dadalhin ako sa 'yong kaparangan
magiging taginting yaring alingawngaw.
Ang samyo, tinig at himig na masaya
kulay at liwanag may lugod sa mata
paulit-ulitin sa tuwi-tuwina
ang aking taimtim na nasa't pag-asa.

Jose Corazon de Jesus
Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus o mas kilala sa pangalan na Jose Corazon de Jesus (1894-1932), may palayaw na Pepito Matimtiman, Huseng Batute, Huseng Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing, Viterbi, Paruparong Asul, at Bayaning May Sugat, ay isang mamamahayag, makata at manunulat, at tulad din ni Balagtas at Rizal ay nakapagsulat ng maraming tula.
Ipinanganak siya noong 22 Nobyembre 1894 sa Sta. Cruz, Maynila at pangalawa sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan.
Lumaki si de Jesus sa Santa Maria, Bulakan at nagtapos ng hayskul sa Liceo de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela de Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades, operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas.
Hindi ipinagpatuloy ni de Jesus ang pag-aabogasya at sa halip ay naging isang mamamahayag. Simula 1920, nagsulat siya sa mga kolum na “Buhay Maynila” at “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” para sa Taliba, at sa “Mga Butlig ng Panahon”, naman para sa Liwayway noong 1922.
Nag-ambag din siya ng mga tula sa Taliba, Ang Mithi, Bagong Lipang Kalabaw, at Sampaguita.
Siya ang kinilalang “Hari ng Balagtasan”, matapos manalo laban sa kanyang pangunahing katunggali na si Florentino T. Collantes. Naganap ang kanilang pagtutunggali sa pagtitipon ng mga manunulat sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Maynila noong 28 Marso 1924. Ang paksa ng pagtitipon ay ang kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa 2 Abril 1924. Pinamunuan ang pagtitipon ng manunulat na siRosa Sevilla. Dapat ay gagamitin ng mga manunulat sa kanilang mga presentasyon ang duplo, isang uri ng debate na bumababa na ang popularidad noong mga araw na iyon. Gumawa sila ng bagong disenyo para sa presentasyon at binansagan itong “balagtasan” para kay Balagtas, na siyang binibigyang parangal. Ang paksa ng kanilang mga debate ay tungkol sa Paruparo at Bubuyog, Bakal at Ginto, at Dalaga Kahapon at Dalaga Ngayon. Dahil isinadulang debate ang balagtasan, natural itong kompetisyon. Nagwagi si de Jesus at naparangalan siyang “Hari ng Balagtasan” na pinanghawakan niya hanggang siya ay pumanaw noong 1932.

Ang buhay ng tao
Jose Corazon de Jesus
Inakay na munting naliwanag sa gubat
Ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
Ang dating pugad ko’y noon napagmalas
Nang upuan ko na ang laman ay ahas
O! ganito pala itong daigdigan,
Marami ang sama kaysa kabutihan
Kung hahanapin mo ang iyong kaaway;
Huwag kang lalayo’t katabi mo lamang,
Ako’y parang baton a ibinalibag
Ang buong akala’y sa langit aakyat;
Nang sa himpapawid ako’y mapataas
Ay bigat ko na rin ang siyang nagbagsak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
Sarili mong bigat ay paninimbigan;
Kung ika’y mabuti’y kinaiinggitan
Kung ika’y masama’y kinapopootan.
At gaya ng isdang Malaya sa turing
Ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
Subalit sa isang mumo lang ng kanin,
Ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
Mangilag sa mga patibong sa mundo;
Kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
Bangungot mo’ysiyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila,
Habang umiikli’y nanatak ang luha;
Buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda
Ang luksang libinga’y laging nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong mabilog
Lupa’y hinuhukay sa ininug-inog;
Subalit kung hindi ka babago ng kilos
Sa hinukayan mo, doon mahuhulog.
Ang Pamana
Jose Corazon de Jesus
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Genoveva Edroza-Matute
Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay angPaglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA
ni Genoveva Edroza Matute
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"
Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

BANGKANG PAPEL
ni Genoveva Edroza-Matute
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...
Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.
Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
"Inay, umuulan, ano?"
"Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
"Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?"
Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao.
Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.
"Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?"
"Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo."
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
"Siya, matulog ka na."
Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
"Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
"Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot.
Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...
Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa
hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong.
"Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?"
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi
pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita.
Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..."
Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay.
Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong...
"Bakit po? Ano po iyon?"
Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
"Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man.
Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan."
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.
Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.
"Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?"
Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
"Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman."
Samantala...
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

Lope K. Santos
Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista, makata, abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na “Ama ng Pambansang Wika at Balarila.” Si Santos ay isinilang sa Pasig, dating sakop ng Rizal, noong 25 Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo 1963. Si Santos ay supling nina Ladislao Santos na tubong Pasig at Victoria Canseco na tubong San Mateo, Rizal. Noong 10 Pebrero 1900, ikinasal si L.K. Santos kay Simeona Salazar na nagbigay sa kaniya ng limang supling.
Pinalitan ni Santos ang unang titik ng kaniyang panggitnang pangalan upang aniya'y isunod sa bigkas ng Tagalog o Filipino.
Kabilang sa mga akda ni Santos ang Ang Pangginggera at Banaag at Sikat na pawang inilathalang muli ng Unibersidad ng Pilipinas Press para sa bagong henerasyon ng mambabasa. Ang kaniyang mga tula, nobela, kuwento, sanaysay, at kritika ay lumabas din sa mga pahayagan at magasing pinamatnugutan niya, gaya ng Muling Pagsilang, Ang Mithi, Lipang Kalabaw, at Sampaguita. Naging manunulat si L.K. Santos saRenacimiento Filipino na pumalit sa dating El Renacimiento na wikang Espanyol ang ginagamit.
Ang kaniyang Balarila ng Wikang Pambansa, na kauna-unahang aklat hinggil sa wikang Tagalog na sinulat ng isang manunulat na Tagalog, ay naging sanggunian ng mga pag-aaral at pagpapaunlad ng wikang Filipino.

KALANSAY
Lope K. Santos
Sa katawa't ulong iniwan ng buhay
at noong bankay na'y nalagak sa hukay,
kinain ng lupa ang balat at laman,
ay walang nalabi kundi ako lamang
Kung baga sa bahay na buong natuklap
ang itip at dingding, ako ang balangkas
lasug-lasog na lang ang yantok at lapat,
wala na ni litid, ni laman, ni ugat
`Bungo't buto akong sa pagkakabao'y
huling binabawi ng mga panahon
kaya't sa libingan kung ako'y mabunton
para lang salansang ng bato at kahoy.
Nasaan ang aking datihang may-ari't
sa tahanang hukay di na umuwi?
Kung bumalik kaya ako pa'y mapili
sa buntunang ito't makilala uli?
Oh, palalong tao! halika, dumalaw
sa anyo ko ngayon,at magnilay, nilay
sa lahat ng naging yabang mo sa buhay
ay walang -wala kundi ako lamang!
KABAYANIHAN
LOPE K. SANTOS
Ang kahulugan moy isang paglilingkod
Na walang paupo sa hirap at pagod
Minsan sa anyaya,minsansa kusang loob
Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong dios
Natatalops mo sa iyong pananim
Iba ang aanit iba ang kakain
Datapwat saiyoy ligaya nat aliw
Ang pag pakasakit na sa iba dahil
Sa tulong moy naad lawan ang mukha
Sa tulong moy mulat ang mulala
Tapang mo sa duwag naging halimbawa
Ang kamatayan moy buhay ng madla
Tikis na nga lamng na ang mga taoy
Mapag walang turing sa tulong mo
Ang kadalasan pang iganti saiyo
Ay ang paglimot kundi paglilo